CENTRAL MINDANAO – Nagpakita nang kagalingan sa pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral ang isang guro sa probinsya ng Cotabato na nag-viral pa sa social media.
Kakaibang estilo ang pamamaraan ni titser Gina Abril sa kanyang mga mag-aaral sa Grade 1 Luna Norte Elementary School sa Makilala, Cotabato.
Kahit walang face-to-face class sa loob ng silid aralan ng Grade 1 ay gumamit si Abril ng mga karton ng bond paper at idinikit nito ang larawan ng kanyang mga estudyante.
Iniligay sa desk o upuan ang bond paper para maalala ng guro at matandaan isa-isa ang kanyang mga estudyante.
Minsan, kapag papasok na si Abril sa classroom ay binabati rin niya ang mga ito kahit walang sumasagot sa kanya.
Dinadasal din niya na sana’y matapos na ang pandemya at para makita na niya ang kanyang mga estudyante.