-- Advertisements --
Inaasahan na maibenta ng hindi bababa sa $35 milyon sa auction ang pink diamond.
Ayon sa Sotheby auction house sa New York, na mayroong 10.57 carats ang timbang ng nasabing pink diamond ay tinawag na “The Eternal Pink”.
Magsisimula itong ibenta sa auction sa Hunyo o apat na taon matapos na ito ay madiskubre ng kumpanyang De Beers company ng South Africa sa isang minahan sa Botswana.
Ang nasabing halaga nito ay tinitignan ng mga gemology experts na 4C ito ay carat, cut, color at clarity.
Ang Eternal Pink Daimond bahagi mula sa rough diamond na nadiskubre noong 2019 na mayroong 23.87 carats.
Taong 2017 ng naibenta sa Sotheby auction sa Hong Kong ang isang pink diamond sa halagang $71.2 milyon na ito ay mayroong bigat na 59.6 carat stone.