Isa sa sekretong turn over kasabay nang pag-upo ng bagong presidente ng Amerika ay transfer din ng command and control authority sa US nuclear arsenal.
Dahil sa hindi dumadalo si dating US President Donald Trump sa inagurasyon sa bagong Presidente Joe Biden, naging usap-usapan kung papaano ang turn over sa password ng kanilang armas nukleyar.
Kung mapapansin sa bawat lakad ng presidente ng Amerika meron siyang katabi palagi na military aide at dala-dala ang dalawang bags o briefcase. Ito ang binansagang “nuclear football.”
Ang bag ay hindi nakalagay doon ang nuclear button para sa ballistic missiles o submarrine missile o bomba nukleyar, kundi nandoon ang mga codes at options kung sakali sa isang nuclear war.
Kasama sa nuclear football ang isang card, na tinatawag namang “biscuit.”
Sa card na ito, nandoon naman ang authentication codes.
Kung sakaling may giyera, gagamitin ang codes upang ipakilala ng presidente ang kanyang sarili sa kanyang mga top military commanders para mag-order ng nuclear strike.
Kadalasan ang turn over ng nuclear codes ay simple lamang kung dumadalo ang ex-president sa inauguration.
Pero dahil sa si Trump ay dumiretso sa kanyang bahay sa Florida, apat na oras bago manumpa si Biden, dala pa rin nya ang nuclear football.
Pero pagsapit ng alas-12:00 ng katanghalian sa Amerika mag-e-expire naman ang hawak niyang nuclear command and control authority.
Eksaktong pagkatapos naman ng oath taking ni Biden sa US Capitol ay saka mag-activate ang bagong nuclear codes na kanya namang hahawakan sa buong termino nya.
Inamin naman ni Trump na noong taong 2017 sa pag-upo niya sa puwesto ay nanghilakbot siya nang i-turn over sa kanya ang nuclear football.
Doon daw niya naisip ang malaking responsibilidad na nakasalalay pala sa kamay niya ang kinabukasan ng mundo kung sakali dahil sa nuclear codes.