-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kakapiranggot na bawas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang P0.50 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P0.25 na bawas sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay nagbawas ng P0.30 sa kada litro.
Ito na ang pangalawang linggong sunod na bawas presyo sa buwan ng Marso.
Sinabi ng Department of Energy na ang sanhi ng nasabing bawas presyo ay dahil sa epekto ng pagdami ng suplay sa krudo sa US.