-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng kompanyang Unioil Petroluem Philippines ang kakarampot na oil price rollback na nakatakda nilang ipatupad sa susunod na araw ng Martes.

Ayon sa Unioil maglalaro ang rollback sa gasolina sa pagitan ng P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Habang sa krudo naman ang bawas presyo ay nasa pagitan ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro.

Sa darating pa na Lunes mag-aanunsiyo ang iba pang mga oil companies sa pinal na presyuhan kung magkano talaga ang iimplementa sa Martes.

Kung sakali ito na ang pang-limang sunod-sunod na oil price rollback na ipapatupad ng mga kompaniya ng petrolyo.

Ang latest price movements ay nagdala sa tinatawag na year-to-date adjustments sa net increase na P14.85 per liter para sa gasoline at nasa kabuuang P29.40 kada litro diesel.