-- Advertisements --

Nangako ang Department of Justice (DOJ) sa publiko na mananagot sa batas ang sinumang may kinalaman sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Ayon kay National Prosecution Service Officer-In-Charge Richard Anthony D. Fadullon, sisiguraduhin ng kanilang ahensya na makukulong ang lahat ng mga may sala sa ganitong klase ng aktibidad.

Sasailalim sa mga pagdinig sa korte ang mga mahuhuli at papatawan ng mga kaso sa ilalim ng DC (Department Circular) 15 and 20.

Samantala, nito lamang nakaraang linggo ay isang foreigner graphic artist ang nag-livestream ng daan daang mga kabataang ginagahasa sa Pilipinas.

Dito napag-alaman ng otoridad na binayaran niya ang mga perpetrators na siyang manghahalay sa mga batang babae na may edad na 5 hanggang 10 taong gulang at tsaka ipapalabas sa mga manonood.