-- Advertisements --

Mga maling impormasyon at kakulangan ng pagpapaliwanag sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine ang siyang dahilan kung bakit maraming mga senior citizens ang takot na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. Nina Castillo-Carandang, miyembro ng National Immunization Technical Advisory Group, na kulang pa rin ang pagpapaliwanag sa mga senior citizens sa epekto ng bakuna.

Lumabas kasi sa datus naito na mayroong 8.90 percent lamang ang nakakumpleto ng kan lang second dose.

Target kasi ng gobyerno na mabakunahan ang mahigit 8.2 milyon na senior citizens sa bansa.

Isang malaking hamon kasi sa bansa ang kawalan ng tiwala ng mga tao sa pagpapabakuna kaya marami ang hindi pa nagpapabakuna.