-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kakulangan sa lecture ng mga probisyon ng Anti Hazing Act of 2018 ang tinitingnang rason ng ilang mambabatas kung bakit nagpapatuloy ang hazing sa mga institusyon.

Ito ang pahayag ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr. matapos ang pagkamatay ng kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si 4th class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Garbin, isa sa mga may-akda ng batas sa Kamara, hihigpitan ang mga kaparusahan nito upang maiwasan at mabigyan ng proteksyon ang mga bahagi ng organisasyon.

Ayon kay Garbin, obligasyon ng administrasyon sa isang organisasyon o institusyon ang pagpapaalala ng batas.

Sakaling mabigo, mananagot hindi lamang ang may gawa ng hazing kundi maging ang mga superiors ng mga suspek.

Sa mga organisasyon na mat initiation rights, dapat aniya na mayroong supervising officer o nakabantay sa mga ito.