Inihayag ng Department of Migrant Workers na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Layon ng mga hakbang na ito na matugunan at mapunan ang kakulangan ng mga health workers sa bansa.
Kaugnay nito ay nakipagpulong ang ilang kawani kawani ng DMW sa mga opisyal ng LGU Baguio.
Tinalakay ng dalawang panig ang mga panukalang framework kabilang na ang usaping pagdadala ng mga health workers sa ibang bansa at pagsasanay sa mga ito.
Nanguna sa naturang pag-uusap sina Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kabilang rin tinalakay ng dalawang opisyal ang kakulangan ng mga health care worker sa bansa.
Kinumpirma rin ng DMW na patuloy silang nakikipagtulungan sa iba’t -ibang LGU at pribadong sektor at ibang bansa para sa scholarships at faculty development programs ng healthcare workers, teachers, at nurses.
Tiniyak naman ng LGU Baguio ang kanilang buong suporta sa DMW sa pagpapatupad ng kanilang mga programa.