Tinukoy ng League of Provinces of the Philippines ang kakulangan ng mga vaccinators ang dahilan kung bakit nabigo ang ilang local government units na maabot ang kanilang mga target sa government’s three-day national vaccination drive.
Sinabi ni LPP president and Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. na maraming bilang ng mga LGUs ang nakaranas ng kakulangan ng mga vaccinators kahit sapat ang suplay ng bakuna.
Ayon kay Velasco nasa 31 mga lalawigan ang nakamit ang 50% ng kanilang mga target habang 45% ang hindi naka-kalahati sa kanilang target.
Aniya, nakuha ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes, Siquijor, at Camiguin ang 100% ng kanilang target number of individuals.
Napag-alaman na ipinagpatuloy ng gobyerno ang national vaccination drive sa kabila ng kakulangan ng 51,000 boluntaryo.
Kung maalala, nasa mahigit 7.6 million individuals lang ang nabakunahan kontra Covid-19 sa three-day vaccination drive kumpara sa 9-million target ng pamahalaan.