-- Advertisements --
Nagpahayag ng pangamba ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa posibilidad na pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy dahil sa kakulangan ng suplay dulot ng African swine fever (ASF).
Sinabi ni SINAG chairman Rosendo So, na halos 65 porsyento ng suplay ng baboy ay nawala dahil sa ASF at karamihang ibinebenta sa mga palengke ay galing sa Visayas at Mindanao.
Pinawi naman ng Department of Agriculture ang nasabing pangamba at napupunan naman ito sa pamamagitan ng mga imported na frozen meat.
Magugunitang iminungkahi rin ng DA na magsusuplay ang mga taga-Visayas at Mindanao ng karne ng mga baboy sa Luzon.