BAGUIO CITY – Patuloy na nararanasan ang kakulangan ng suplay ng karne ng baboy sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa mga meat vendors na nakapanayam ng Bombo Radyo News Team, ito ay resulta ng pagpostibo ng lalawigan ng Benguet sa African Swine Fever (ASF).
Inihayag ng mga nagtitinda na marami silang hakbang na isinasagawa para makakuha sila ng suplay ng karne ng baboy na kanilang ibebenta.
Gayunpaman, sinabi nilang kulang pa rin ang suplay at hindi naibibigay ang demand ng mga mamimili.
Iginiit ng mga meat vendors na malaki ang epekto sa kanila ang pagpositibo ng Benguet sa ASF.
Una rito, iniutos ni Benguet Governor Melchor Diclas ang pag-lockdown sa lalawigan para hindi makapasok ang mga buhay na baboy mula sa ibang lugar.
Kasunod nito, iniutos din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang total ban sa pagpasok sa mga live pigs sa lunsod bilang suporta sa utos ng gobernador para makaiwas sa ASF.