Sa kabila ng pagtitiyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng palay sa kabila ng mga nasirang sakahan dulot ng bagyong Karding.
Naniniwala naman ang grupong Bantay Bigas na mararamdaman ang epekto ng bagyo sa mga pananim sa unang bahagi ng taong 2023.
Ayon kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng Bantay Bigas, ang sinasabing 5.13 million metric tons na buffer stock ay sapat hanggang December 2022 na consumption ng mga pilipino.
Sa buwan ng Enero sa susunod na taon ay maramdaman na aniya ang kakulangan sa supply ng bigas dahil sa epekto ng bagyong Karding dahil ang huling ani ng mga magsasaka ang siyang gagamitin sa unang bahagi ng taong 2023.
Sinabi ni Estavillo na dito na kukulangin ang bansa ng supply ng bigas dahil maraming pananim na aanihin na sana sa panahong ito ang sinira ng nagdaaang kalamidad.