Kasalukuyang bumubuo ng bagong kurikulum sa nursing program ang Commission on Higher Education (CHED) bilang tugon sa kakulangan ng mga nurses sa bansa.
Sa bagong kurikulum na ito, ang “exit credentials” ay isang option para sa nursing students na nakumpleto na ang 1 o 2 years, kung saan pwede na silang makapagtrabaho bilang nursing aid o nursing associate.
Samantala, suportado naman ng Philippine Nurses Association (PNA) itong bagong nursing curriculum.
“Ang present curriculum kasi natin ng first year, wala pa silang actual patient interaction. Kailangan din kasi ng actual exposure ng ating mga student so that they could achieve the basic competencies. Ang core ng ating responsibilidad ay patient’s safety,” sinabi ni PNA President Melvin Miranda.
Ayon sa CHED, sa ngayon ay nasa halos 175,000 ang nurses ng bansa na nagtatrabaho sa private at public na ospital na sana ay sapat kung wala namang pandemic.
Nasa halos 51% umano ng registered nurse ng bansa ay nag migrate samantalang 20% ang hindi nagtatrabaho sa ospital.