-- Advertisements --
Dagupan City–Nakakaranas ngayon ng kakulangan sa silid aralan ang Mangaldan National High school dahil sa dami ng mga estudyante at ang patuloy na renovation sa iba pang ginagawang classroom.
Napag-alaman na pansamantalang inilipat muna sa gymnasium ang klase ng mahigit sampung section.
Bukod sa gymnasium, nagkaklase ang ilan sa ilalim ng mga punong kahoy.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, sa kalagitnaan pa ng Hulyo inaasahang matatapos ang renovation sa tatlong gusali na mayroong 22 classroom.
Base sa rekord, umabot na 7, 991 ang bilang ng mga estudyante ngayong school year at posibleng madagdagan pa ang bilang dahil mayroon pang mga late enrollees.