-- Advertisements --

ROXAS CITY – Problema sa ngayon ng mga health front liners sa lalawigan ng Capiz ang kakulangan sa supply ng personal protective equipment (PPEs) sa gitna ng krisis bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Dr. Jocelyn Mosquete, presidente ng Capiz Medical Society, sinabi nito na gumagawa na lamang sila ng mga improvised PPEs para may magamit lamang ang kanilang mga health workers.

Bingyan na rin nila ng pansamantalang tirahan ang mga health workers na exposed sa mga pasyente na positibo sa COVID-19 at nakaranas ng mga diskriminasyon mula sa kanilang mga inuupahan na mga boarding houses at apartments.

Tiniyak naman nito sa publiko na ginagawa nila ang lahat ng mga precautionary measures upang masiguradong hindi sila magkalat ng kinatatakutang virus.

Matatandaan na mayroon nang apat na kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.