-- Advertisements --

Naniniwala ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang direktang epekto sa inflation ang nararanasang kakulangan sa supply ng tubig dahil sa patuloy na pagnipis ng water supply sa Angat Dam.

Sinabi ni Finance Assistant Sec. Tony Lambino, regulated naman ang water rates kaya walang direktang impact sa inflation habang patuloy ang gagawing monitoring ng economic team sa hindi direktang epekto nito at agad magbibigay ng rekomendasyon kung kinakailangan.

Ayon kay Asec. Lambino, tiniyak din ng National Water Resources Board (NWRB) na prayoridad nila ang water supply sa Metro Manila ngayong nasa critical level na ang Angat Dam.

Kasabay nito, hinikayat ni Asec. Lambino ang lahat na magtulungan para matiyak ang sapat na supply ng domestic food dahil ang kakulangan ng agricultural productivity ang isa sa pinakamalaking contributors sa pagtaas ng inflation noong nakaraang taon.

“We do not expect a direct impact on inflation as water rates are regulated. With regard to indirect impact, the economic team will be monitoring this very closely and recommend urgent action, if needed. Recommendations that President Duterte approved last year tamed inflation in the shortest amount of time in 20 years,” ani Asec. Lambino.