-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na bumubuti na ang kalagayan ng 2 overseas Filipino worker (OFWs) na nasugatan sa nasunog na gusali sa Kuwait.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, isa sa Filipino workers ang na-discharge na ospital habang ang isa naman ay nananatili sa intensive care unit subalit nagrerekober na.
Umaasa naman ang opisyal na tuluyan ng gagaling ang naturang OFW.
Kung matatandaan, humantong sa pagkasawi ng 3 OFWs matapos makalanghap ng usok sa nangyaring sunog sa dormitoryong tinutuluyan ng nasa mahigit 100 dayuhang nagtatrabaho sa isang Kuwaiti construction company.
Nag-ugat ang sunog sa short circuit base na rin sa inisyal na imbestigasyon.