-- Advertisements --

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Filipino sa France, matapos ang panibagong pagpapasabog sa naturang bansa.

Matatandaang 13 ang naitalang sugatan sa insidente.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Pinoy community doon para agad matulungan kung sakaling may napabilang na kababayan natin sa mga naapektuhan ng bombing.

Kaugnay nito, tinutugis na ng mga otoridad ang lalaking posibleng responsable sa pag-atake.

Nasa 30-anyos lang umano ito at gumamit ng mountain bike para lumayo sa lugar bago ang pagsabog.