-- Advertisements --
EDSA rush hour 3
EDSA

Pinaghahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga mananakay ng mas mahabang pasensya dahil sa patuloy na nararanasang pagbigat ng daloy ng trapiko.

Sinabi ni MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, na asahan na mas lalong bibigat ito pagdating ng ‘ber’ month.

Dagdag pa nito na nitong Hunyo hanggang Agosto ay parang ‘ber’months na ang kalagayan ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Base sa taya nila na mayroong 380,000 na sasakyan ang dumadaan sa EDSA kung saan 66 percent dito ay binubuo ng mga kotse, 22 percent sa motor at 3.48 percent naman ay mga buses.