-- Advertisements --
David Ortiz
David Ortiz/ IG post

Bumubuti na ang kalagayan ni baseball star David Ortiz ilang linggo matapos na ito ay mabaril sa Dominican Republic.

Ayon sa kaniyang mga doctors sa Intensive Care Unit sa Massachussetts General Hospital, na patuloy ang pagpapagaling nito.

Labis naman ang pasalamat ng kaniyang kaanak sa mga taong tumulong mula sa Dominican Republic kung saan nangyari ang pamamaril hanggang sa maidala ito sa pagamutan sa Boston.

Dahil sa patuloy na pagdarasal ng mga fans ay nakatulong ito sa kaniyang paggaling.

Magugunitang noong Hunyo 9 ay binaril si Ortiz habang ito ay nasa isang bar sa Dominican Republic.

Matapos ang ilang araw ay naaresto ang limang suspek na siyang nasa likod ng pamamaril.