-- Advertisements --

Patuloy pa rin na binabantayan ng Cleveland Cavaliers ang kalagayan ni Kevin Love.

Ito ay matapos na magtamo ng right calf injury na nagbunsod sa hindi paglalaro niya kontra Charlotte Hornets.

Natamo nito ang injury sa unang preseason game at mula ng matamo ang injury ay hindi na nito nagkapag-ensayo pa.

Ayon kay Cavs coach J.B. Bickerstaff na kanilang mahigpit na binabantayan ang kalagayan ng 32-anyos na si Love.

Mayroong average ito na 18.2 points, 11.1 rebounds kada laro sa loob ng 12 taon sa NBA.

Ang five-time All-Star player ay nakatakdang simulan ang pang-pitong season nito sa Cleveland kung saan tinulungan niya sina LeBron James at Kyrie Irving na makuha ang 2016 NBA championship.