-- Advertisements --
Nananatiling stable ang kalagayan ngayon ni Pope Francis at hindi nakararamdam ng hirap sa paghinga, ayon sa ulat ng Vatican.
Ito ang kalagayan ng santo papa na mahigit dalawang linggo ng nasa hospital at nakikipaglaban sa double pneumonia.
Sinabi rin ng Vatican na walang lagnat si Pope Francis at hindi nagpakita ng mga palatandaan ng pagtaas ng bilang ng white blood cell, kung saan ang daloy ng dugo at sirkulasyon nito ay nananatiling stable.
Dagdag pa, patuloy aniyang kumakain at mapagmatyag ang santo papa.