-- Advertisements --

Nananatiling stable ang kalagayan ngayon ni Pope Francis at hindi na kailangang gumamit ng mechanical ventilation para makahinga ang santo papa ayon sa ulat ng Vatican. 

Ito ang kalagayan ng santo papa na mahigit dalawang linggo ng nasa hospital at nakikipaglaban sa double pneumonia. 

Na-admit si Pope Francis noong February 14, na may malubhang respiratory infection na nag-trigger ng iba pang mga komplikasyon. 

Bagama’t sinabi ng Vatican na hindi na kinakailangang gumamit ni Pope Francis ng  “non-invasive mechanical ventilation” patuloy naman na tumatanggap ang santo papa ng oxygen sa pamamagitan ng maliit ng hose sa kanyang ilong.