-- Advertisements --

Nakabalik na sa normal ang kalagayan ng Malabon City Jail matapos ang pagsasagawa ng noise barrage ng mga inmates doon.

Inayawan kasi ng mga inmates ang paglipat ng dalawang kasamahan nila na itinuturing na lider ng pasilidad.

Nanawagan din ang mga inmates ng pagpapalit ng warden dahil umano sa dami ng reklamo gaya ng hindi magandang pamamalakad.

Personal naman na binisita ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang nasabing jail facility at tiniyak nito na magsasagawa ito ng imbestigasyon.