-- Advertisements --
saudi oil facility

Binabalak ng Saudi Aramco na ayusin muli ngayong araw ang kalahati ng crude output na nasira matapos atakihin ang dalawa sa kanilang key oil facilities noong Linggo.

Dahil sa nasabing drone attack sa dalawang oil facilities ay nawalan ng halos 5.7-million barrels ng oil production kada araw ang Saudi Arabia.

Paniniwala ng ilang opisyal ng nasabing state-owned oil giant, kaya nilang ibalik ang halos dalawang milyong bariles bago matapos ang araw ng Lunes.

Ito ay kontra sa unang inilabas na pahayag na muling ibabalik ng bansa ang buong produksyon ng krudo ngayong linggo.

Ayon naman sa ilang eksperto, posibleng tumaas ang presyo ng langis mula $10 o 519 pesos kada bariles ngunit maaari naman daw na maging maliit lang ang epekto nito depende kung gaano kabilis ang mga opisyal na muling ibalik sa dating kaayusan ang naturang oil production.

Dahilan din ang pag-atake ng pansamantalang pagtigil ng gas production kung saan mababawasan ng 50% ang supply ng ethane at natural gas liquids ng bansa.

Sinigurado naman ni Saudi Aramco President at CEO Amis Nasser na walang nasaktan sa pagsabog ng oil facilities at kaagad naapula ng emergency crews ang apoy.

If it is a few days, the Saudis are working to restore production and will provide more information in the next 48 hours, the impact is more likely to be $3-5 to Crude,” ani Roberto Friedlander, head ng Seaport Global of energy training.

Saudi aramco oil
Saudi Aramco’s Abqaiq Plants

Tinatayang 5% ng world supply ng krudo ay nakadepende sa Saudi.

Samantala, una nang inako ng Houthi rebels sa Yemen ang responsibilidad sa drone attack anila isa ito sa pinakamalaki nilang pag-atake na ginawa sa buong bansa.

“We promise the Saudi regime that our future operations will expand and be more painful as long as its aggression and siege continue,” saad ng spokesman ng rebeldeng grupo.