-- Advertisements --

Kalahati ng populasyon sa US ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Cyrus Shahpar ang White House COVID-19 data director, na mayroon ng mahigit 165 milyon katao ang nakatanggap ng dalawang dose ng Modern o Pfizer o ang one-and-done na Johnson & Johnson vaccine.

Madadagdagan pa aniya ito sa mga darating na araw.

Ang karamihang kalahati sa mga adult Americans na na tinaguriang fully-vaccinated ay naabot noong Mayo.

Magugunitang laging isinusulong ni US President Joe Biden ang pagpapabakuna sa mga mamamayan nito lalo na ang pagtaas ng kaso ng Delta variant.