-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa ang pagkilala ng pulisya ng Surigao City ukol sa pagkakakilanlan ng putol na bangkay ng isang lalaki na natagpuang nakalutang sa Lamintao River.

Ayon kay kay PLCol. Christian Rafols, hepe ng Surigao City Police Station, matapos na walang mag-claim na kaanak ay nagdesisyon na lamang ang lokal na pamahalaan ng Surigao City kasama ang pulisya na ilibing sa public cemetery ang natagpuang kalahating bahagi ng katawan ng lalaki.

Natagpuan ang ibabang parte ng katawan ng biktima nang maglaro sa tabi ng ilog ang mga bata na kaagad namang ipinagbigay alam sa mga barangay officials na syang nagbigay-alam naman sa kanila.

Nasa state of decomposition na ang biktima kung kaya’t pinaniniwalaang ilang araw na itong patay at pinaghahanap pa ang kalahating parte ng kanyang katawan.