Arestado ang isang drug suspek na nakuhanan ng kalahating kilo ng hinihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Muntinlupa sa parking lot ng isang mall sa Alabang.
Tinatayang nasa halagang P900,000.00 ang market value ng nakumpiskang shabu.
Nakilala ang naarestong drug suspek na si alyas Datu, na iginiit na inutusan lamang siya ng isang kakilala na iabot ang iligal na droga.
Nakatakda isailalim sa isang pagsusuri ang nakumpiskang shabu para matukoy kung bahagi ito ng naipuslit ng droga sa Manila International Container Port.
Ayon sa PDEA bumaba ang presyo ng shabu sa merkado dahil biglang dumami ang suplay nito.
Una ng inamin ng PDEA na ang mga drogang nasabat nila sa mga nakalipas na buwan ay malaki ang pagkakapareho sa naipuslit droga na bahagi umano ng kontrobersiyal na P6.8 billion shabu shipment.