-- Advertisements --
Tuluyang pinalabas ng “Pinoy Big Brother†(PBB) sa loob ng bahay ang isang kalahok sa reality show dahil sa ilang ulit na “rape jokes” umano nito.
Ang pagpapa-alis kay Banjo Dangalan ay nangyari, ilang araw matapos maging epektibo na ang “Bawal ang Bastos Act.”
Sa nasabing batas ay ipinagbabawal ang sari-saring anyo ng pambabastos, kasama na ang rape jokes.
Sinasabing tatlong beses narinig ng kapwa housemate ni Banjo ang kaniyang mga pagbibiro na para sa ilan ay “offensive.”
Kinausap pa ni “Big Brother” si Dangalan para ipabatid dito ang mga paglabag, bago siya tuluyang pinalabas.