Asahan na ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa ibat-ibang weather system na umiiral.
Ayon sa state weather bureau, asahan na ito mula ngayong araw Enero 15 hanggang Enero 18 ng taong ito partikular na sa silangang bahagi ng bansa.
Makararanas ng malalakas na buhos ng ulan ang ilang lugar sa Bicol region , Eastern Visayas, Caraga at bahagi ng Davao Region dahil sa nagpapatuloy na pag-iral ng easterlies.
Ilang bahagi rin ng southern Mindanao ang makararanas ng halos parehong lagay ng panahon dahil sa Intertropical Convergence Zone .
Sa susunod na tatlong araw ay asahan naman ang malamig na panahon sa Metro Manila at natitirang parte ng Luzon dahil sa patuloy na pag-iral ng Amihan at posible rin ang light to moderate na mga pag-ulan.
Pinag-iingat naman ang lahat dahil sa posibleng pagkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa.