BUTUAN CITY – Dinagsa ng daan-daang mga job-seekers ang Kalayaan Job Fair 2024 sa Butuan City na pinasimunuan ng Department of Labor and Employment o DOLE-Caraga kasabay sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng proklamasyon sa kasarinlan ng Pilipinas.
Ayon kay DOLE Caraga Regional Director Joffrey Suyao, umabot sa 54 mga local at tatlong mga overseas recruitment agencies ang nag-offer ng 4,800 mga bakanteng trabaho sa nasabing aktibidad na isinagawa sa Dotties’ Place nitong lungsod.
Dagdag pa ng director, may mga aplikante ang swerteng nasali sa HOTS o Hired-On-the Spot.
Maliban dito’y may iba pang mga serbisyo ang kanilang ibiniga gaya ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD payout pra sa 10,831 ka mga nagtatrabaho sa komunidad sa loob ng 10 hanggang 15 mga araw.
Umabot naman sa mahigit P52M ang pundong inilaan ng pamahalaan upang maisweldo sa mga TUPAD beneficiaries nitong rehiyon.