-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakadepende umano sa mga kagawad ng media at student journalist kung papano maipapakita ng mga ito ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag.

Ito ang binigyang-diin ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isang conference sa University of Nueva Caceres sa lungsod ng Naga kahapon.

Ayon kay Sereno, bahagi na ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino ang malayang pamamahayag partikular na sa pagbigay komento sa mga polisiya ng pamahalaan na umano’y laban sa kapwa tao.

Nanindigan si Sereno na kailangan ng pamahalaan na tumanggap ng mga kritisismo para sa kamalayan ng publiko hinggil sa mga isyu at suliranin ng lipunan.

Kaugnay nito nagbigay paalala si Sereno sa mga kabuhan ng media na gawin na lamang ang tungkulin.

Iminungkahi din ni Sereno na dapat magpatupad ng sariling regulatory component ang media sa halip na maging kontrolado ng gobyerno sa pamamagitan ng censorship.