![tandag surigao helmet](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2019/10/tandag-surigao-helmet.jpg)
BUTUAN CITY – Nag-trending ngayon ang isang lalaking taga-Tandag City, Surigao del Sur matapos makunan ng larawan na nakasuot ng kaldero na syang ginawa nitong helmet habang nakaangkas sa habal-habal.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Datu Rico Maca, ang Indigenous People Municipal representative sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur, pasado alas-12:35 kahapon ng tanghali nang kanyang masundan sa Brgy. Telaje, Tandag City ang nasabing angkas ng motorsiklo.
Posible umanong walang ibang magamit o mapaghiramang helmet ang nasabing angkas kung kaya’t kaldero na lang ang isinuot nito na lumusot naman sa traffic enforcer at checkpoint.
Napag-alamang mahigpit na ipanatupad sa Tandag City ang ordinansang nag-regualte sa paggamit ng helmet sa mga motorcycle riders sa sentro bahagi ng naturang lungsod.