-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – May bago nang dagdag sa international flights ng Kalibo International Airport (KIA) matapos ang nakatakdang paglunsad ng pinakaunang Japan to Kalibo na direct flight ng isang airline company.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate, Jr., may dagdag na tatlong airline companies ang magkakaroon ng direct flight papunta sa paliparan ng Kalibo, kung saan, isa rito ang mula sa Narita, Japan.
Samantala, sinabi pa ni Engr. Monserate na buhos na ang mga turistang nagbabakasyon sa isla ng Boracay sa pagpasok ng “Ber” months.
Nananatili aniyang isa ang KIA sa mga pinaka-abalang paliparan sa buong bansa na may average na 30 international at siyam na domestic flights araw-araw.