-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Maaaring isailalim sa state of calamity ang bayan ng Kalibo sa lalawigan ng Aklan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan, umakyat na sa 1,405 ang bilang ng nagka-dengue sa buong Aklan mula Enero 1 hanggang Hulyo 22, 2019 habang 15 na ang namatay dahil dito.
Ang bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na kaso na umabot sa 355.
Dahil dito, inirekomenda ng barangay council ng Kalibo sa Sangguniang Bayan na isailalim sa state of calamity ang nasabing bayan.
Gagamitin ang calamity fund upang makatulong sa mga pasyente at kampanya upang mapuksa ang pinamumugaran ng mga lamok.