-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nabuhayan ng loob ang mga tauhan ng Kalibo International Airport at iba pang negosyo sa paligid ng paliparan sa inaasahang muling pagbuhos ng mga dayuhang turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay.

Ito ay makaraang inalis na ng pamahalaan ang mga quarantine protocols sa mga fully vaccinated na foreign tourists at returning overseas Filipino na papasok sa Pilipinas simula sa Pebrero 10, 2022.

Ayon kay Engr. Eusebio Monserate, Jr. manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan, kaunting adjustments na lamang ang kanilang gagawin lalo na ang pagdagdag ng mga tauhan sa oras na maging normal na ang biyahe.

Inaasahan umano nila ang muling pagbabalik ng mga turista mula sa Korea, China at iba pang bansa sa Asya, kung saan sila ang magiging buena mano sa bagong rehabilitate na terminal building.

Samantala, sa Executive Order No. 001-A na inilabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores kahapon ng Martes, muling inalis ang negative RT-PCR test result sa mga magbabakasyon sa isla ng Boracay para sa mga fully vaccinated na turista.