-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Handa na ang Kalibo International Airport sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga travelers na uuwi sa lalawigan ng Aklan.

Kasunod ito sa mas pinaluwagan ng Provincial Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang travel restriction kung saan, hindi na kailangan pang sumailalim sa 14 days quarantine period ang isang traveler maliban na lamang kung makitaan ito ng sintomas ng coronavirus disease (Covid-19).

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan manager Engr. Eusebio Monserate Jr., nakalatag na aniya ang mga panuntunan sa paliparan upang matiyak na masunod pa rin ang minimum health protocols kahit na buhos ang mga pasahero.

Dagdag pa nito, handa na rin ang kanilang isolation area para sa mga makitaan ng sintomas ng deadly virus.

Samantala, pinayuhan nito ang mga travelers na makipag-ugnayan muna sa mga airline companies bago ang byahe upang maiwasan ang aberya.