-- Advertisements --
kalibo airport
Kalibo Airport

KALIBO, Aklan – Kinumpirma ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Aklan sa Bombo Radyo na simula nitong Agosto 1 ay exempted na ang mga estudyante sa pagbayad ng terminal fee para sa domestic flights sa lahat ng paliparan sa bansa.

Ayon kay CAAP-Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr., batay sa kanilang natanggap na utos, ang mga estudyante na enrolled mula pre-school hanggang kolehiyo ay exempted sa P200 na terminal fee para sa domestic destination.

Kaugnay nito, kailangan lamang umano na magpakita ng lehitimo na Identification (ID) card at magfill-up ng form mula sa Malasakit Help Desks na makikita sa nasabing paliparan upang makakuha ng certificate of exemption.

Malaking tulong aniya sa mga mag-aaral na ma-libre ang kanilang terminal fee.

Samantala, ipinagmalaki ni Monserate na ang Kalibo International Airport ang nangunguna sa highest income earner pagdating sa terminal fee kung ikumpara sa ibang malalaking paliparan sa bansa.

Sa ngayon aniya, nasa 20 international at 11 domestic flights bawat araw ang lumilipad sa nasabing paliparan.