Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB) na nananatiling nasa ‘very unhealthy’ levels ang kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Metro Manila.
Base sa Real-Time Ambient Air Quality Monitoring ng ahensiya kaninang alas-8 ng umaga, ang air quality index sa bayan ng Pateros ay nasa 167 na maituturing na very unhealthy.
Sa lungsod ng Makati, nasa 139 ang air quality index na maikokonsiderang unhealthy para sa mga sensitibong grupo.
Habang sa Caloocan namn ay nasa 128 ang AQI na maituturing ding unhealthy para sa mga sensitibong grupo.
Ang vey unhealthy level ay mula 151 hanggang 200 AQI na ibig sabihin kailangang manatili sa indoors ng mga indibidwal na may sakit sa puso o baga at asthma gayundin dapat na ipagpaliban muna ang unnecessary trips.
Ang unhealthy for sensitive groups level naman ay nasa 101 hanggang 150 AQI, ibig sabihin dapat na limitahan ng mga taong may respiratory diseases ang mga aktibidad sa labas.
Una rito, ayon sa Phivolcs ang naobserbahang haze sa Metro Manila nitong Lunes ay posibleng dahil sa polusiyon kesa sa vog na nagmumula sa bulkang Taal.