-- Advertisements --
Gumaganda na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila matapos na ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), lumalabas sa kanilang Air Quality Information System naitala ang magandang kalidad ng hangin sa lungsod ng Las Piñas, Marikina, Muntinlupa at Parañaque.
Sinabi naman ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, na nagreresulta ito sa malinaw at malinis na kalawakan ang nakikita ngayon.
Inamin din ni DENR Secretary Roy Cimatu na ang pagtigil sa mga aktibidad sa maraming bansa kaya tila gumagaling na ang mundo mula sa polusyon.