-- Advertisements --
SMOG TAAL VOLCANO

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na bumalik na sa normal ang kalidad ng hangin sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya nito.

Ito ay dahil ang polusyon na nauugnay sa smog sa kalakhang lungsod gayundin ang volcanic smog o vog mula sa Taal Volcano ay na-clear na.

Ang Air Quality Index (AQI), na mino-monitor sa 24 oras, ay nagpakita ng particulate matter (PM) – o mga pinong particle na maaaring pumasok sa mas malalim na bahagi ng baga at dugo – ng 2.5 o “good” quality sa Caloocan City, Makati City, Parañaque, Pateros at Batangas.

Ang Mandaluyong, San Juan at Taguig ay nakapagtala rin ng maayos ng kalidad ng hangin.

Mino-monitor ng AQI ang anim na criteria pollutants para matukoy kung gaano kalinis o ka-polluted ang hangin at sinusukat ang ground level ng 24 na oras na particulate matter kung ito ay lumampas sa guideline value na 35 micrograms per normal cubic meter (µg/Ncm).

Binanggit ng DENR-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) na ang surface wind direction ay pakanluran at timog-kanluran, malayo sa Maynila.