-- Advertisements --

Apektado ang kalidad ng itlog ngayong nakararanas ang bansa ng matinding init ng panahon ayon sa Department of Agriculture.

Ayon kay Department of Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, kapag mas mainit ang panahon ay mas lumiliit ang size ng itlog.

Kadalasang apektado umano rito ay ang mga maliliit na backyard na walang tunnel ventilation.

Pero ani De Mesa, kung titingnan ang kabuoang sitwasyon ng industriya ng manokan, maayos pa naman sa ngayon at maganda pa ang produksyon.

Sa katunayan aniya, bumababa ngayon ang presyo ng itlog. Sa monitoring ng ahensya, nasa P7 ang presyo ng itlog mula sa presyo noong nakaraang buwan na P8.