-- Advertisements --

Naobserbahan ang significant improvement sa kalidad ng tubig sa Manila Bay.

Nakikitang naging malaking tulong dito ang patuloy na rehabilitation efforts sa river systems at tributaries.

Base sa data mula sa Environmental Management Bureau – National Capital Region (EMB-NCR) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Hunyo, ang fecal coliform level sa Manila Bay beach nourishment station malapit sa United States Embassy ay bumaba ng hanggang 2,400 most probable number per 100 milliliters (MPN/100mL), mula sa dating 7,100 MPN/100mL noong 2021.

Gayundin naobserbahan ang mas mababang coliform levels ang dalawang water quality monitoring stations malapit sa Dolomite beach.

Nakapagtala din ang apat na Metropolitan Environment Offices ng significant decrease sa fecal coliform levels sa kanilang lugar.

Bumaba din ang fecal coliform sa Malabon-Navotas-Tullahan-Tinajeros River System at sa katubigan malapit sa Navotas Fishport.

Bagamat ang kasalukuyang coliform levels ay malayo pa rin mula sa fecal coliform standard na 100 MPN/100mL para maibalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay sa Class SB level, sinabi ni EMB-NCR regional director Michael Drake Matias na isang malaking hamon ngayon ang maibaba pa sa naturang standard level ang kalidad ng tubig subalit ito ay maaabot naman sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa local at national governments kaisa ang publiko.

Ang Class SB ay isang classification ng DENR para masabing ligtas na makapag-swimming ang publiko sa mga coastal areas at waters gayundin sa iba pang kahalintulad na recreational activities