Magiging ligtas ang lahat ng mga unang bacth ng caregiver na ipinadala ng Pilipinas sa South Korea.
Ito ang binigyang diin ng Department of Migrant Workers at tiniyak na mayroon na silang mga kaukulang safety measures para kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino sa nasabing bansa.
Ayon sa ahensya, ang naturang programa ay bahagi ng pilot implementation ng deployment ng OFWs caregiver sa SoKor.
Paliwanag ni DMW Asec. Levinson Alcantara na may binuong sariling employment contract ang Pilipinas at South Korea para sa nasabing deployment.
Dito ay nakasaad ang lahat ng protection para sa lahat na na deploy na Pilipino caregiver.
Pinag-usapan din ng dalawang panig ang maayos na pasahod sa mga ito, minimum standards at oras ng trabaho.
Layon nito na matulungan ang mga Pilipinong nais na mangibang bansa para sa ikauunlad ng kanilang sarili at sa ikabubuti ng kanilang pamilya.