-- Advertisements --

Tiniyak muli ng Department of Foreign Affairs ang kaligtasan ng mga tripulanteng Pinoy na sakay ng MCS Aries na sinalakay ng Islamic Revolution Guard Group sa Hormuz Strait.

Sa isang pahayag, sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, ang naturang mga Pilipino ay nasa mabuting kalagayan ngayon.

Sinabi pa ng opisyal na sa mga susunod na araw ay inasahan nilang pakakawalan na ng Iranian authorities ang mga ito.

Idinagdag pa ni De Vega na ang kanilang ahensya ay nakaantabay na sa mga tulong na kakailanganin ng mga ito sa oras na sila ay palayain.

Kaugnay nito ay iniulat ng DFA at DMW ang kanilang walang patid na pakikipag-ugnayan sa Iranian government.

Layon nitong malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga tripulanteng Pilipino sa nasabing barko.