-- Advertisements --

Bilang mandato ng Department of Agriculture na tiyaking sapat ang supply ng pagkain sa bansa , nagsagawa ngayon ng inspeksyon sa ilang food terminal sa lungsod ng Taguig si Agriculture Secretary Tiu Laurel, Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na ito ay bahagi rin ng kanilang plano na paglalagay ng mga karagdagang cold storage facilities para sa high-value produce sa naturang lungsod.

Aniya , sa pamamagitan nito, naniniwala ang kalihim na matugunan ang overproduction na pangunahing hamon ng mga magsasaka sa bansa partikular na sa ng mga magsasaka sa Benguet.

Samantala , inaasahang mababawasan ng planong ito ang post-harvest losses sa iba’t ibang sakahan sa Pilipinas.

Kung maalala, tiniyak ng DA na tuloy-tuloy ang mga ginagawa nitong market linkage.

Layon nito na matugunan ang kinakaharap na overproduction sa mga produktong gular katulad ng repolyo sa mga lalawigan.

Una nang sinabi ng DA na tuloy-tuloy ang ginagawa nitong market linkage para matugunan ang overproduction ng gulay gaya ng repolyo sa ilang lalawigan.