-- Advertisements --
Francisco Tiu Laurel Jr

Hindi na pinalampas pa ni Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. ang pagkakataon na makaharap ang iba’t-ibang agricultural sector sa bansa.

Personal na dumalo ang kalihim sa ikatlong talakayan na inorganisa ng Samahang Industriya ng Agrikultura at Coalition for Agriculture Modernization in the Philippines, Inc.

Nanguna sa naturang programa si Senate Committee on Agriculture and Food Chair Cynthia Villar , ilang matataas na opisyal ng pamahalaan at agricultural groups.

Tinalakay nila ang maiinit na isyu na kinakaharap ngayon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bansa.

Naging pangunahing paksa ang isyu sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto katulad ng bigas, mais, gulay, livestock, at isda.

Napag-usapan rin ang ilang mga gagawing hakbang ng gobyerno hinggil sa pagkalat ng African Swine Fever partikular na ang mga bakuna sa livestock.

Tinalaya rin ang mga pangunahing usapin sa agricultural smuggling at hoarding

Maging ang usapin sa agricultural smuggling at hoarding ay napag-usapan din.

Paliwanag naman ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet, mahalaga na magkaroon ng kolaborasyon ang bagong talagang kalihim ng DA sa industriya ng agrikultura sa Pilipinas upang maisulong ang pangunahin layunin ng administrasyong Marcos Jr.