-- Advertisements --

Humarap sa isang pagpupulong si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasama ang ilang meat traders sa bansa.

Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ng Meat Importers and Traders Association at ginanap sa mismong tanggapan ng DA.

Kabilang sa mga personal na dumalo sa naturang meeting ay si Meat Importers and Traders Association (MITA) President Jess Cham.

Sa nasabing pag-uusap, hinimok ni Sec. Laurel ang mga kinatawan ng MITA na makipag-ugnayan sa meat regulatory agencies ng gobyerno

Layon nito na mabigyang solusyon ang ilan sa mga hamong kinakaharap ng sektor.

Ayon kay Laurel, partikular na rito ang mga concerns sa frozen pork at poultry products.

Tiniyak naman ng kalihim na kanilang masusing rereviehin ang mga polisiya at pag-iisyu ng food safety guidelines ng sa gayon ay masiguro rin ang balanseng kalakaran sa meat industry ng Pilipinas.