Umabot na sa kabuuang 300 na dating miyembro ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front na ni-recruit ng Philippine National Police.
Ang hakbang na ito ng kapulisan ay pinuri naman ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon sa kalihim, ang hakbang na ito ay maghahatid ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Ikinatuwa rin nito na ang dating magkalaban noon ay magkakampi na ngayon sa iisang layunin.
Bukod kay Pangandaman, kinilala rin nina BARMM Minister Mohagher Iqbal at Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito G. Galvez Jr. ang kabang na ito ng PNP.
Ito aniya ay pagpapakita lamang ng progreso sa usapang pangkapayapaan sa Bangsamoro.
Nakikita rin ni Deputy Senior Minister Abdullah Cusain ang hakbang na ito ng PNP ay bunsod ng ay nagbubukas ng panibagong daan tungo sa pag-unlad at progreso.
Binigyan diin naman ni Pangandaman ang inclusivity sa recruitment ng pulisya kung saan 39 sa 294 na rekrut ay mga kababaihan.